Nene, Nireyp sa Hotel

PINAGSAMANTALAHAN NG isang 33-anyos na lalaki ang 4-anyos na anak na babae ng kanyang ka-live in sa Pasay City kamakailan.

Pormal na kakasuhan ng mga awtoridad ang salarin na si Jordan Tabago ng # 2162 P. Binay Street, Brgy. Bangkal, Makati City.

Base sa report ng Pasay Police-Women’s and Children’s Protection Desk, unang inireklamo si Tabago ng kanyang dating ka-live-in na si Jennifer Blando, 33, matapos matuklasan nitong Sabado ng gabi ang ginawang panggagahasa sa kanyang anak na babae.

Sinabi ni Blando na nagmakaawa ang salarin na makipagkita sa kanya noong Sabado kung saan pinaunlakan naman nito at isinama niya ang anak na babae.

Nagkita ang salarin at ang mag-ina sa Aurora Boulevard bago nag-check-in sa Park & View Motel sa Pasay City.

Habang nasa loob ng silid ng naturang motel, nakatanggap ng tawag sa cellphone si Blando mula sa kasintahan niyang OFW sa Saudi Arabia na ikinagalit naman ng suspek.

Ipinasya ni Blando na lumabas muna sa silid at iniwan ang anak kay Tabago at nang bumalik ay umiiyak na ang anak kaya agad na silang umalis.

Samantala, nalaman din ni Blando ang pangmomolestiyang ginawa ng suspek sa anak nang dumaing ito ng pananakit ng kanyang ari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.