Nene, Niluray ng 3 Lolo

KASALUKUYANG MANA-NATILI pa sa ospital ang isang 11-anyos na batang babae matapos itong pagsamantalahan ng tatlong lolo.

Kinilala ang biktima sa pangalang Katrina (‘di tunay na pangalan) na niyaya umano ng tatlong lolo na babayaran kung sasama sa kanila.

Subalit dinala umano sa comfort room ang menor de edad hanggang sa doon pinagtulungang gahasain ng tatlong suspek.

Pinangalanan naman ni SP02 Rex Diongson ng Makar PNP ang tatlong suspek na sina Ricardo Didad, 67, Geronimo Canencia, 70, at Gamelyel Telempos, 56 na pawang mga residente ng Brgy. Labangal, General Santos City.

Nasa kamay na ng mga kinauukulan sina Didad at Telempos habang at-large pa si Canencia.

Lumalabas sa pahayag ng biktima na sapilitang ipinasubo sa kanya ang ari ng isa sa mga salarin na si Telempos habang minolestiya naman siya ni Canencia samantalang si Didad ay pilit na ipinahawak ang ari nito.

Pinabulaanan naman ng dalawang suspek ang mga alegasyon laban sa kanila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.