Nene, Natusta

NATUSTA ANG isang batang babae matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay nang maiwang natutulog sa ikalawang palapag kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Halos hindi na ma-kilala ang biktimang si Yuchi Nokubo, 3, ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection Malabon City, alas-3:55 nang

magliyab ang bahay ng biktima dahil sa faulty electrical wiring.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, hindi na naisalba ang biktima na natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nadamay ang 20 kapit-bahay ng mga Nokubo kung saan naapula ang apoy alas-5:45 ng hapon at tinatayang nasa P500,000 aria-arian ang tinupok.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Nene, Natusta

  1. Pingback: Nene, Natusta - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.