Nene, Natusta sa Kidlat

NATUSTA ANG katawan ng isang 9-anyos na Nene habang sugatan naman ang apat na iba pa, kabilang ang ina at dalawa nitong kapatid makaraang tamaan ng kidlat sa Barangay San Jose, General Santos City kamakailan.

Kinilala ang nasawi na si Marimar Panes habang sugatan naman si Maritess Panes, mga anak nitong sina Delmar at Demetrio Panes Jr., gayundin ang tiyahing si Julieta Mama.

Base sa pagsisiyasat, abala ang mag-iina sa pagtatanim ng palay sa bukirin bandang alas-10 ng umaga nang biglang umulan kaya sumilong sa kubo ang mga biktima.

Gayunman, matalim na kidlat ang tumama sa batang babae habang sugatan naman ang pamilya nito at tiyahin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.