Nene, Kritikal sa Totoy na Kapitbahay

AGAW-BUHAY NGAYON ang isang 9-anyos na babae makaraang aksiden-teng mabaril ng 13-anyos na lalaking kapitbahay sa Antique.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang aksidente sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sebaste.

Nabatid na bumibili sa tindahan ang biktima nang biruin ng kanilang kapitbahay na babarilin.

Gayunman, nakalabit 13-anyos ang gatilyo ng baril kaya’t tinamaan sa ulo ang  biktima.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktima habang inaalam pa kung sino ang may-ari ng baril.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.