Nene, Inararo at Tinabas ng Magsasaka

KARUMAL-DUMAL ANG sinapit ng isang 12-anyos na batang babae matapos itong pagsamantalahan ay pinatay pa ng magsasakang kaibigan ng kanyang ama sa Norala, South Cotabato kamakailan.

Ang nasabing biktima ay kinilalang si Vanessa Pagalinan, incoming Grade VI pupil sa pagbubukas ng klase sa Hunyo at residente ng Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Sinabi ni Chief Inspector Jorge Parcon, hepe ng pulisya sa Norala na bandang alas-8 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa may palayan sa naturang lugar.

Dinakip naman ng mga awtoridad ang salarin na si Jory Tupaz, 19 anyos na inamin ang krimen.

Sa inisyal na pagsisiyasat, magkasama uma-nong umuwi ang biktima at ang salarin na inumaga matapos dumalo sa isang disco party sa isang purok sa kanilang lugar.

Gayunman nang mapadako ang mga ito sa madilim na bahagi ng lugar ay mistulang sinapian ng demonyo ang suspek nang biglang hablutin ang dalagita na puwersahan nitong ginahasa.

Matapos makaraos hindi pa nakuntento at pinaslang pa ng slarin ang biktima saka mabilis na tumakas. Sa ngayon, inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kri-minal laban sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.