Nene, Inalok ng P500 Kapalit ng Sex; Magtatahong, Kalaboso

SHOOT SA kulungan ang isang magtatahong na nag-alok ng P500 sa kapitbahay na nene kapalit ng sex sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Unjust Vexation in relation to Child Abuse si Dominador Quinones, 45, ng Navotas Housing Project ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang 11 anyos, alas-2 ng hapon nang lapitan siya ng suspek at sabihan ng, “Bibigyan kita ng P500 kung makikipag-sex ka sa akin, doon tayo sa dulo.”

Sinabi pa ng suspek sa biktima na, “Kapag nabuntis kita, hahanap-hanapin mo ako at kapag natira kita baga sagad-sagad ka.”

Iniwan ng biktima ang suspek at nagsumbong sa mga barangay tanod na naging dahilan upang hulihin ang suspek at dalhin sa presinto bago sinampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.