Nene, ibinugaw ni ate; 1 ginang arestado

ISANG GINANG ANG dinakip ng mga awtoridad kabilang ang isang dalagita matapos ireklamo ng white slavery at ipinapasok sa videoke bar ang mga menor de edad na kababaihan na kanilang na-recruit sa lungsod ng Caloocan, iniulat kahapon ng umaga.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City police ang suspek na si Edna Dimalanta 39, ng Fishpond Sawata, Maypajo, Caloocan City habang si Jane, 16 (di-tunay na pangalan) na kasabwat ni Dimalanta ay nasa kustodiya naman ng Department of Social Welfare Development (DSWD).

Sa reklamo nina Kris, 16, at Jolie, 14, kapatid ng menor de edad na suspek, parehong residente ng Caloocan City, (pawang di-tunay na pangalan), nitong nakalipas na araw ng Biyernes ay inaya sila ni Jane at Dimalanta na tumungo sa Balayan, Batangas, para ipasok ng trabaho.

Subalit lingid sa kaalaman ng mga biktima, pagdating sa Balayan, Batangas, ipinasok sila sa Julie videoke bar upang doon magtrabaho bilang Guest Relation Officer (GRO).

Hindi na rin nagawa pang makatakas ng mga biktima sa dahil sa hindi na nila alam kung paano umuwi at wala silang perang pamasahe.

Ayon pa kay Kris, sinabi sa kanya ni Jane, na dapat ay magpa-bar fine siya para mayroon na itong pambili ng mga personal na kagamitan ganu’n din ang kapatid ng suspek na si Jolie.

Nadiskubre lamang ang ginawa ng mga suspek matapos hanapin ng kanyang mga magulang ang isa sa biktimang si Kris.

Sa salaysay ng mga magulang ni Kris, napagalitan lamang nila ang kanilang anak, hanggang sa hindi na ito umuwi ng kanilang bahay, sa pag-aakalang naglayas, kinontak ng mga ito ang isa sa mga kaibigan ni Jolie at dito nila nalaman na nasa Batangas si Kris at pumapasok bilang GRO sa nasabing videoke bar.

Agad silang tumungo sa Balayan Batangas, at dito humingi ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta ng pagkakadakip sa mga suspek.

“Hindi sila makakaligtas, tutuluyan namin silang sampahan ng kaukulang kaso, marami pang mga menor de edad doon, na nagtatrabaho,” ani pa ni Aling Aiza. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.