Nene, Hinalay na Binoga Pa sa Ulo

PATAY ANG isang walong taong gulang na nene sa San Francisco, Agusan del Sur na hinihinalang ginahasa bago binaril sa ulo.

Natagpuan ang biktimang si Kyla Bongcaoel sa isang creek nang walang saplot sa katawan at tadtad ng sugat sa leeg at ulo.

Base sa insiyal na imbestigasyon, mag-isang umalis ng bahay ang biktima para pumasok sa eskuwela noong Lunes ng hapon pero hindi na ito nakauwi at hindi rin nakapasok sa klase.

Natagpuan ang gamit nito sa ilalim ng Tagconoyon bridge at Martes ng madaling-araw nang makita ang bangkay ng bata malapit sa creek.

Agad namang naa-resto ng mga kinauukulan ang salarin na si Roque Eliot na nakita ng ilang testigong kasama ang biktima, pero todo tanggi ito sa krimen.

Lumalabas sa awtopsiya, napag-alamang isang tama ng bala ng baril sa ulo ang ikinamatay ng bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.