Nene, Ginahasa ng Manyakis na Kapit-Bahay, Bago Pinatay

 

MAY BUSAL na tissue ang bibig habang nakahubad nang matagpuan ng kasambahay ang katawan ng isang batang paslit na pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay sa Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., PNP Provincial Director, kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Genalyn Sarza, 19, kasambahay at ang amo nito na nakilalang si Arnaldo Cartas nasa hustong gulang at residente ng Blk. 19, Lot 9, Oak St., Meadows Subd., Brgy. Caypombo, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Lhea (di-tunay na pangalan), 6 na taong gulang, residente ng Blk-18 sa nabanggit ding subdibisyon.

Ayon sa mga magulang ng biktima, huli nilang nakitang buhay ang kanilang anak nitong Pebrero 17, dakong alas-4:45 ng hapon sa harapan ng kanilang tahanan, subalit lumipas ang ilang oras, hindi na umuwi ang paslit.

Dahil dito, agad na nagtungo sa barangay hall ang magulang nitong biktima para ipa-blotter ang pagkawala ng kanilang anak na babae. Makalipas ang dalawang  araw, natagpuan ito sa likod-bahay ng suspek.

Nabatid sa follow-up operation ng mga pulis at scene of the crime operatives, nasa loob ng tahanan ng mga suspek ang kulay orange na back-pack ng bata na nakasilid sa isang washing machine, na lalong nagbigay ng linaw sa imbes-tigasyon na posibleng ang amo ng kasambahay ang nasa likod ng panghahalay at pagpatay sa bata, kung saan nag-positibo ito base na rin sa imbestigasyon ni  SOCO P/Chief Inspector Edith Martinez.

Samantala, detenido nga-yon ang mag-amo sa Sta. Maria Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Rape with Homicide.

(Tony dela Peña)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Nene, Ginahasa ng Manyakis na Kapit-Bahay, Bago Pinatay

Leave a Reply

Your email address will not be published.