Sa matinding pagnanasa Nene, ginahasa ng BF

DAHIL SA matinding pagnanasa, hindi nakatiis ang isang 36-anyos na lalaki na gahasain ang kanyang 13-anyos na girlfriend sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., Bulacan Police director, kinilala ang naa-restong suspek na si Jeffrey Concepcion, tricycle driver, at residente ng Blk. 24, Lot 7, Phase 2, Northville 4, Brgy. Lambakin, Marilao.

Ayon kay Supt. Gerry Andaya, Marilao Police Chief, dumulog sa kanyang himpilan ang ina at ang biktima na si Candy (‘di tunay na pangalan), 1st year high school, para isumbong ang ginawang panggagahasa ng suspek sa kanya.

Base sa paunang im-bestigasyon ni PO1 Marica Anastacio, Women’s Desk Officer, naganap ang panghahalay sa biktima nito lamang April 15 sa ganap na ala-1 ng hapon.

Nabatid sa sinumpaang salaysay ng dalagita, tinakot siya ng suspek sa pamamagitan ng sunud-sunod na text na kung hindi siya makikipagkita sa BF ay iiwan siya nito. Dahil sa ayaw iwan ng kanyang kasinta-han, nakipagkita ang dalagita sa BF.

Agad siyang dinala ng BF sa madamong lugar at doon ay agad siyang hinubaran at pinaghahalikan at ipinasok ang ari nito.

Matapos ang insidente, pinangakuan pa siya ng kasintahan na hihiwalayan nito ang ka-live in para magsama na sila.

Agad namang ipinagbigay-alam ng biktima ang kanyang sinapit sa kanyang ina na humingi naman ng tulong sa mga tanod ng Brgy. Lambakin at dinakip ang suspek.

Samantala kakasuhan ng Rape in Relation to RA 7610 ang suspek na pansamantalang nakadetine sa Marilao Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.