Nene, Ginahasa at Pinatay ng Adik

BRUTAL NA pinatay ang isang 6-anyos na nene matapos gahasain ng ‘di-kilalang adik  na  binasag pa ang bao ng ulo ng biktima sa Barangay Pahinga Norte, bayan ng Candelaria, Quezon.

Basag ang bungo at bali ang leeg at nakasubsob pa sa putikang kanal nang matagpuan ang biktimang si Antonette Lopez.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, huling namataang buhay ang biktima noong Linggo ng gabi na akay-akay ng ‘di-kilalang lalaki na nakasuot ng jacket na may hood.

Dito na hinanap ang biktima at natagpuan naman sa putikang kanal na nakasubsob ang mukha habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.