Nene, Dinaliri sa Loob ng Evacuation Center

 

KULONG ANG isang binata matapos ipasok ang daliri sa ari ng nene sa loob ng evacuation center sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Ramil Sacedor, 27 pansamantalang naninirahan sa evacuation center sa Phase 1-B Basketball Court, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 9, evacuee din sa nasabing lugar, nasa pagitan ng alas-8 hanggang alas-9 ng gabi nang lapitan siya ng suspek sa loob ng nasabing lugar at tinakot kapag pumalag hanggang sa ipasok ni Sacedor ang daliri sa ari ng nene.

Nang matapos ay nagsumbong sa ina ang bata na naging dahilan upang ipadampot sa mga barangay tanod ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.