Nene, Dinalawahan ng Sariling Ama

 

NO BAIL ang isang ama makaraang dalawang ulit na hinalay ang kanyang musmos na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang suspek ay nakilalang si Sander Paguio, 30, walang hanap-buhay, tubong-Surigao at kasalukuyang naninirahan sa Phase 2, Riverside, Tala, Bgry. 188, Caloocan City.

Samantala, ang biktima na sinamahan ng kanyang ina sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concern Desk (WCCD) ng Caloocan City Police para magharap ng kaso ay itinago sa pangalang “Beth”, 9 na taong gulang, grade 1 pupil, at residente ng nabanggit na tirahan.

Base sa ulat ng WCCD dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang nasabing panghahalay ng suspek sa kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Ayon sa biktima, kasalukuyan siyang natutulog nang bigla siya magsing sa ginagawang paghimas umano ng kanyang ama sa kanyang maseselang parte ng kanyangsa katawan.

“Hinubad po ng aking ama ang sout kong short at panty at saka pilit na ipinapasok ng aking ama ang kanyang ari sa aking ari at nang maidaos po ang makamundong pagnanasa ng aking ama ay muli po akong nakatulog,” wika pa ng biktima.

Makalipas ang ilang oras ay muling nagising ang biktima at sa ikalawang pagkakataon ay muling minolestiya ng suspek ang kanyang anak.

Matapos ang nasabing insidente ay agad na nagsumbong ang biktima sa kanyang ina. A0gad namang nagsadya ang mag-ina sa kanilang barangay hall at ipinaaresto sa mga barangay tanod ang suspek.

 (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.