Nene, Dinadalirot ng Manyakis na Boy

SWAK SA KULUNGAN ang stay-in boy matapos itong ireklamo ng ina ng 6-na taong gulang na batang babae nang madiskubreng minomolestiya nito ang huli kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na si Jayson Mando, 19, stay-in boy ng Briston St., UE Subd., Caloocan City at nahaharap sa kasong Rape sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Sa ulat Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police, dakong alas-8 ng umaga nang mahuli ang suspek sa bahay ng pinapasukan nito sa naturang lugar.

Sa reklamo ng ina ng biktimang si Nene (di-tunay na pangalan), 6, ng nasabing lungsod, palagi na lamang umiinda ang kanyang anak na masakit ang ari nito at hirap sa pag-ihi. Dito, kanyang ipinakonsulta sa pagamutan at nadiskubreng may UTI si Nene.

“Si Kuya Jayson po, ‘pag wala po mama ko, punta palengke, pasok siya kuwarto namin tapos tusok niya pipi ko ng daliri niya,” ani pa ni Nene.

Dito, agad na humingi ng tulong sa pulisya ang ina ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip kay Mando at sinampahan ng nabanggit na kaso.

“Kaya pala, kaya pala, gustung-gusto niya na siya ang naiiwan sa bahay namin kapag namamalengke ako tuwing umaga, ‘yun pala binaboy niya anak ko,” galit na galit na sigaw ng ina ng biktima sa himpilan ng pulisya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.