Nene, Binoga ng Tatay

PATAY ANG isang 6-anyos na babae nang aksidente itong mabaril ng sariling tatay sa Butuan City, Agusan Del Sur.

Ayon kay CARAGA Police spokesman P/Supt. Martin Gamba, ang biktima ay kinilalang si Rosebee Abina, 6, ng Purok 3, Brgy. Maibu, Butuan City.

Base sa pagsisiyasat ng PNP, lumalabas na dakong alas-siyete ng gabi kamakailan nang mangyari ang aksidente sa mismong ta-hanan ng pamilya Abina.

Nililinis umano ni Roger Abina, 30, ama ng biktima ang kanyang .38 revolver (paltik) na baril nang ‘di sinasadyang pumutok ito na sentrong tumama sa dibdib ng anak.

Sinubukan pang isugod sa Butuan City Medical Center ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Samantala, boluntaryo namang sumuko sa mga kinauukulan ang nasabing suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.