Nene, basag ang bungo sa palo

BASAG ANG bungo ng isang 10-anyos na nene nang matagpuan sa loob ng public market sa Balasan, Iloilo.

Ang nasabing biktima na si Alma Bides y Mareño ay natagpuan na lamang na naliligo na sa sariling dugo at isa nang malamig na bangkay matapos paluin ng matigas na bagay o bato sa kanyang ulo.

Sinabi ni PO2 Edimars Magbanua ng Balasan PNP na ang biktima ay palabuy-laboy lang at base sa kanilang pag-usisa na may pagkamakulit din ang bata.

Hinala naman ng mga awtoridad, posibleng may nagalit o nairita sa biktima kaya’t pinalo ng matigas na bagay sa ulo na agad na ikinasawi nito.

Samantala, wala pang salarin ang mga kapulisan kung sino ang pumatay sa nene.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.