Nene, 2 beses hinalay ng lasenggong ama

KULONG ANG ISANG tatay nang dalawang beses na halayin ang anak na dalagita habang lasing ang una sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakakulong si Mang Renato, 39, ng Bagumbong ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 14, gabi ng Hulyo 7, 2011 umuwing lasing ang suspek at pinasok ang dalagita sa kuwarto bago hinalay.

Nang makaraos ay lu-mabas ang suspek subalit pagsapit ng hatinggabi ay muling pumasok si Mang Renato sa kuwarto at mu-ling hinalay ang dalagita.

Bago tuluyang iwan sa kuwarto ang anak ay pinagsabihan na huwag magsusumbong kaninuman at may masamang mangyayari sa biktima.

Ilang araw ding nagtiis ang biktima hanggang sa mapansin ng isang tiyahin ang pananamlay ng una at nang tanungin ay hindi na nag-atubili ang dalagita na magsumbong.

Sinamahan ang biktima ng kanyang tiyahin sa kanilang barangay na naging dahilan upang damputin ang suspek at dalhin sa presinto. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Nene, 2 beses hinalay ng lasenggong ama

  1. Pingback: Nene, 2 beses hinalay ng lasenggong ama - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.