Negosyanteng Tsinoy, Itinumba sa Tapat ng Bahay

PATAY ANG ISANG negosyanteng Intsik matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay lulan ng kanyang sasakyan papasok ng bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng .45 kalibre na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Joseph Tancanco y Yu, 60, ng No.35 Simon St., Bgry., Acacia ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad upang maaresto at matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi, sakay ang biktima kasama ang live-in partner nitong si Kay Olid, 39, sa kanyang sasakyan Silver Chevrolet Captiva (MGT-27).

Pagdating sa kanilang bahay, bumaba si Olid upang buksan ang gate at habang ipinapasok na ng biktima ang sasakyan nito ay bigla na lamang lumapit ang suspek at walang salitang sunud-sunod na pinutukan si Tancanco.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motosiklo na minamaneho ng kasama nito patungo sa Sangandaan, Caloocan habang naiwan ang walang buhay na katawan ng bikitma.

Inaalam na pulisya, ang motibo sa naturang krimen. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.