Negosyanteng Tsinay, pinatay sa sakal

PINATAY SA SAKAL ang isang mestisang Tsinay at pagkatapos ay pinagnakawan pa ng mga hindi nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Isang garter ang natagpuang nakapulupot sa leeg ni Rosita Reducio-Ong, 80, residente ng F. Lazaro St., Brgy. Canumay West, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat ng Valenzuela police, dakong alas-6:30 ng gabi, dumating sa kanilang bahay ang mister ng biktima na si Joseph Sy, galing ng Apalit, Pampanga buhat sa isang transaksiyon sa negosyo.

Sa biyahe pa lamang ay hindi na sumasagot ang biktima sa tawag ng kanyang asawa sa cellphone at nang dumating siya ay hindi rin ito sumasagot at hindi nagbubukas ng pinto.

Sinira ni Sy ang bintana sa likod ng bahay hanggang sa makapasok. Dito nito nadiskubre ang bangkay ng asawa na nakagapos ang magkabilang kamay at mga paa at napupuluputan ng garter ang leeg.

Nadiskubre ng pulisya na nawawala ang cellphone, laptop at mga mahahalagang kagamitan ng Tsinay at may isang malaking butas sa bahay ng mag-asawang Intsik na pinaniniwalaang pinagdaanan ng mga suspek papasok sa nasabing bahay.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ng follow-up

operation ang Valenzuela police para matukoy ang may kagagawan ng nasabing insidente.        (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.