Negosyanteng Naka-Backride, Patay sa Bus

TODAS ANG isang negosyante matapos tumilapon sa inaangkasang motorsiklo nang masagi ng papalikong pampasaherong bus sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si Aneceto Pascual, 41, ng P. Jacinto St., Bagbaguin ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Edmundo Salcedo, 46 ng Bayugo, Meycauayan, Bulacan.

Batay sa ulat, alas-10:15 ng gabi, magyu- u turn si Salcedo dala ang bus (TYP-388) sa MacArthur Highway, Malanday ng lungsod nang masagi ang sinasakyang motorsiklo ng biktima na minamaneho ni Manolito Velilla, 41.

Tumilapon ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa VGH habang sumuko naman sa mga pulis si Salcedo.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.