Negosyanteng Intsik, pinatay sa loob ng OTB

PATAY ANG ISANG negosyanteng Intsik matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki habang ang una ay nasa loob ng kanyang Off Track Betting station sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Quezon City General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Alexander Lim Chua, 53 ng Diamond rd., Caloocan Industrial Village, Kaybiga ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-9 ng gabi, nakaupo ang biktima sa harap ng asawang si Josephine sa loob ng pag-aaring Buenamar OTB and Restobar sa nasabing lugar nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa QCGH kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo at pagkaka-kilalanlan ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.