Negosyanteng Intsik, patay nang banggain ng truck

DEDO ANG ISANG 33-anyos na Chinese National habang malubha namang nasugatan ang dalawa nitong kasamang bata na kinabibilangan ng kanyang 6-taon gulang na anak matapos banggain ng humaharurot na truck sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng grabeng pinsala sa ulo’t katawan ang biktima na nakilalang si Darwin Chong, 33, habang ginagamot pa rin ang anak nitong si Charm Chong, 6, at Sam Banta, 11, pawang mga residente ng # 19 V. Mapa St. ng nasabing lungsod.

Samantala, nasakote naman ng mga rumespondeng pulis ang driver ng tractor truck (CMW-820) na si Roldan Bandol, 35, may asawa ng San Buena Compound, Cainta, Rizal.

Sa nakalap na ulat mula sa Caloocan Police Traffic Division, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy. 109, Caloocan City bandang alas 9:40 ng gabi.

Lumalabas sa im-bestigasyon, kasalukuyang binabagtas ng biktima ang naturang kalye sakay ng kanyang kotse na Toyota Vios (NOI-638) kasama ang dalawa pang biktima.

Dito ay biglang bumundol ng minamanehong truck ng suspek ang kaliwang bahagi ng kotse na ikinamatay ng biktima at pagkakasugat ng dalawa pa.

“Tumama ang harapan ng truck sa right side ng kotse ni Chong at bumangga ito sa pader,” ayon sa ulat ng traffic division. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.