Negosyanteng Intsik, Ligtas; 3 Kidnapper, Patay sa Davao City

MATAGUMPAY NA nailigtas ng mga miyembro ng Davao City Police Office (DCPO) ang isang negosyanteng Intsik na nakidnap mula pa sa Quezon City, habang napatay rin ang tatlo sa mga salarin.

Nakilala ang nasabing  biktima na isang Sally Chua, residente ng San Francisco del Monte, Quezon City.

Liban sa tatlong mga kidnappers na nasawi, isa rin ang natiklo.

Sinasabing dinukot ang biktima noon lamang Hulyo 5.

Umaabot sa 14 umanong mga salarin ang nagdala sa biktima sa Davao City na ibiniyahe by land.

Una umanong nag-demand ang mga salarin ng P150 milyon bilang ransom.

Pero sa isinagawang negosasyon naging P50,000,000 at sa kalaunan ay ibinaba sa P15,000,000.

Base sa usapan, mismong ang biktimang si Chua ang magwi-withdraw ng pera sa Allied Bank na nasa C.M. Recto Street dakong alas-12:00 ng tanghali.

Sa loob ng bangko habang papunta na sa teller ay bigla na lamang pumalag ang biktima na siyang nagbigay-hudyat sa mga awtoridad.

Dito na nangyari ang putukan kung saan tadtad ng tama ng bala ang isa sa sasakyan ng mga holdaper.

Sinabi ni S/Supt. Ronald dela Rosa, hepe ng Davao City police na armado ng .45 caliber pistol ang mga salarin na ang iba ay may mga taga-Bukidnon, taga-Samar at sa iba pang bahagi ng bansa.

Inamin ni Dela Rosa na noong isang araw pa nila na-monitor ang grupo.

Nasa 10 pang mga suspek na sakay ng getaway vehicle na puting Montero ang nakatakas.

Sa ngayon, patuloy pa ang hot pursuit operations sa iba pang suspek na posibleng patungo ng Davao del Norte at mga karatig-lalawigan.

Hinigpitan na rin ang mga chekpoint sa syudad at iba pang mga lugar.

Isinalaysay naman ng ilang mga pulis na mismong ang biktima ang nakipagkasundo sa kanyang mga abductors na sa Davao City gawin ang payoff.

Sinasabi namang binilhan pa ng mga salarin ng tiket sa eroplano pabalik ng Metro Manila na may biyahe rin sa hapon ang Intsik.

Samantala, liban dito, pinababaunan pa ng mga prutas ang biktima kung sakali aniyang makasakay na ng eroplano.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.