Negosyanteng Hapon, Binoga ang Sarili

TINIYAK NG Davao City Police Office ang kanilang masusing pagsisiyasat sa  kung ano ang tunay na dahilan sa pagbaril sa sarili ng isang negosyanteng Hapon sa Davao City.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ang biktima ay nakilalang si Kumbayasi Shuki, 48, isang taxi operator.

Ayon sa pulisya, nagbaril sa sarili ang biktima at ang bangkay nito ay natagpuan na lamang sa isang bakanteng lugar sa Cabantian sa nasabing lungsod.

Una rito, alas-7 ng gabi nang makarinig ng putok ang mga residente at kinaumagahan ay natagpuan ang dayuhan na patay na at may tama sa kanyang sentido.

Sa paanan naman ng biktima ay nakita ang .45 kalibreng baril.

Palaisipan pa rin kung bakit nagpakamatay ang Hapon dahil wala naman itong problema sa negosyo at sa kanyang asawang Pinay.

Wala namang suicide note na na-recover ang mga kinauukulan mula sa pinangyarihan ng krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.