Negosyanteng Dinukot sa Cotabato, Pinalaya sa Maguindanao

PINALAYA NA NG mga kidnapper na negosyanteng dinukot sa Cotabato City makalipas ang siyam na araw na pagkakabihag.

Kinilala itong si Jinky Lim Yap, may-ari ng ALY General Merchandize sa Sinsuat Ave., Cotabato City.        Ayon kay Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao Felicisimo Khu, alas-2:30 ng madaling-araw nang pakawalan si Yap sa mga opisyal ng Cotabato City sa Barangay Tambonan, Talayan, Maguindanao.

Si Yap ay dinukot sa kanyang tindahan at humihingi ang kanyang mga kidnapper ng P1 milyong ransom, mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

Inihayag naman ni Khu na walang ransom na ibinayad ang pamilya ng negosyante kapalit ng kalayaan nito.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.