Misyon Aksyon: Negosyanteng biktima ng Energy Saver, magdedemanda!

ISA PO KAMI sa mga nabiktima ng kumpanya ng Energy Saver na pag-aari ni Sonny Buenaventura na may-ari ng BSGE Consumer Enterprises, Inc. at ng kapatid nito na isa ring negosyante ng Energy Saver.
Sir, batid ko po na marami na ang nagrereklamo pero hanggang sa ngayon ay wala pang konkretong hakbang ang ahensiya ng gobyerno na siyang dapat na nagmo-monitor ng mga negosyante na manloloko. Kasi po, sila ang nagbibigay ng lisensiya para makapag-operate sila ng kanilang negosyo.
Paano na po kung hindi gagawa ng hakbang ang dalawang ahensiya gaya ng Department of Energy at Department of Industry na siyang nagbibigay ng permit at nag-aaprub ng kanilang produkto, kung safe sa mga consumer na gamitin ito.
Sa dahilang wala silang ICC sa mga produkto, at isa pang masaklap nito, halos daang libo ang halaga ng kanilang   produkto na kanilang naibenta sa amin na humigit-kumulang sa dalawang daang libong piso na Energy Saver, depende   sa  laki ng building. Sa katunayan, ang kaibigan kong may tire supply, nabentahan din. Ang isa sa kanilang pang-akit, ang insurance nila na kanilang sasagutin kapag nasunog ang establisimyento sanhi ng kanilang aparato na Energy Saver device. – Mr. Ko ng Caloocan

KAY MR. KO NG Caloocan at kay Vicky Tan, sir/madam, maaari po nating kausapin ang tanggapan ng DOE at DTI. Para sa lahat po ng mga sumulat at biktima ng energy saver ay magsama-sama po kayo para sampahan ng demenda ang may-ari na si Mr. Sonny Buenaventura at kapatid niya na isa ring dealer ng Energy Saver device, at tapusin na ang kanilang panloloko. At kay Mr. Sonny Beunaventura, bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

ITO PONG LTO-NOVALICHES, inireklamo sa Misyon Aksyon sa dahilan nalilito ang mga nagtutungo sa nasabing tanggapang alin sa ang tunay na information desk sa dalawang nasa kanilang tanggapan – una ang pagpasok sa tanggapan sa tabi ng may xerox machine, at pangalawa ang sa pagpasok sa pintuan ng LTO office.

Ang unang mesa, ang naglagay umano ay ang investor ng LTO na si Angel, at ang administrator na isang alyas Ricky na kung umasta, daig pa ang empleyado ng LTO. Ang masaklap pa nito, mas magaling pa umano ito kaysa sa empleyadong   taga-LTO, kaya tuloy ang publiko nalilito kung sino ang tunay.

Napag-alaman ko ring insurance lang pala ang kanilang pinag-aagawan, dahil doon lamang sila kumikita nang malaki.
Ang  nakapipikon, kapag ikaw ay nagtransaksiyon sa LTO-Nova, halos hindi ka na makahinga sa init, dahil kulang sa ventilation. Kasi nga, inokupahan na ng medical at drug test ang harapan nito na inilagay ng ‘investor’.
Kay LTO Assec Arturo Lumibao at NCR Director Camilo Guarin, mga sir, paki-imbestigahan naman po ang LTO-Nova, na mukhang nalilito ang publiko sa dahilang dalawa ang kanilang information desks, o baka naman po bulag lang kayo?

ISOO 2000 na LTO, pero sinisira ng ‘investor’ ang sistema na dapat sana, hindi nakikialalam sa mga patakaran ng LTO ang investor.

Kaya bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

Misyon Aksyon
Arnel Petil

loading...

One thought on “Misyon Aksyon: Negosyanteng biktima ng Energy Saver, magdedemanda!

Leave a Reply

Your email address will not be published.