Negosyante utas; misis na buntis, grabe sa akyat-bahay

PATAY ANG isang mister habang kritikal ang misis nito na pitong buwang buntis makaraang pagbabarilin ng mga magnanakaw kamakalawa ng gabi sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Dead on the spot si Alvin Perez, 32 anyos, negosyante, makaraang bulagain ng bala ng mga suspek.

Sa ulat ng Urbiztondo Municipal Police Station, naganap ang insidente alas-11 ng gabi sa Brgy. Galarin, Urbiztondo.

Sa imbestigasyon, gi-naya ng mga ‘di mabilang na kawatan ang boses ng kanilang kasambahay para pagbuksan sila ng mag-asawa na noo’y natutulog na.

Nang buksan ng lalaki ang pintuan ay walang sabi-sabing pinagbabaril nang malapitan ng mga hindi nakikilang salarin si Alvin at binaril din ang misis nito na noo’y nagsisigaw sa takot.

Nagkunwaring patay na rin si Mrs. Perez kaya hindi na ito muli pang binaril habang niransak na ng mga magnanakaw ang tahanan ng biktima.

Makaraang kuhanin ang mga mamahaling gamit, alahas at salapi ay nagsitakas ang mga kawatan.

Aminado naman ang pulisya na wala silang lead kung anong grupo ang dumale sa mga biktima.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.