Negosyante, Tigok Din sa Bigti

INAALAM NA ng mga pulis ang dahilan ng pagbibigti ng negosyante sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Patay na nang makita ang biktimang si Manolito Que, 52 ng 8th Avenue West ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay ni Ryan Lopez, 23 at nobyo ng anak na dalaga ni Que.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan upang magbigti ang biktima at inaalam na rin kung may naganap na foul play.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.