Negosyante pinatay sa harap ng ka-live in

PATAY ANG ISANG negosyante nang pagbabarilin ito ng dalawang ‘di pa kilalang kalalakihan sa harap ng kanyang live-in partner kahapon ng umaga sa Navotas City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala ng .45 kalibre na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Edwin Albaran, 54, trucking owner, ng Blk. 33-C, Lot 33, Tumana, Brgy. North Bay Boulevard, Navotas City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Kasalukuyang nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang kanyang kinakasama na si Aiyen Fuentes, 28, nang bigla na lamang puwersa-hang binuksan ang harapan ng pinto ng kanilang bahay.

Pagkabukas ay lumutang ang mga dalawang salarin na armado ng nasabing kalibre na baril at anim na beses pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad naman na humingi ng tulong si Fuentes sa kanilang mga kapitbahay at ipinagbigay-alam sa pulisya ang naturang insidente.

Inaalam na ng pulisya ang tunay na motibo sa pagpaslang sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.