Negosyante, Patay sa Riding-In-Tandem sa Pangasinan

 

PATAY ANG isang negosyante matapos itong barilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Unzad sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Igmelio Esteba, 57, negosyante at residente ng bayan ng Malasiqui.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na habang binabagtas ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang naturang lugar pauwi sa kanilang bahay ay bigla na lang siyang binaril ng hindi nakikilang mga salarin.

Nagtamo ito ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Posible umanong sinundan ang biktima at nang makatiyempo ang mga suspek ay saka ito pinaputukan.

Natagpuan naman sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng cal. 45 na baril.

Hinihinalang may kinalaman sa negosyo ng biktima ang motibo sa nangyaring insidente.

Samantala, tuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.