Negosyante, Patay sa Bala

PATAY ANG NEGOSYANTE matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa tapat ng bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng dalawang tama ng bala sa likurang ulo si Ricardo Cartajenas, 49, ng C-3 Rd., ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga, kalalabas lang ng bahay ang biktima upang pumunta sa kanilang tindahan sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek at isa ang pumutok kay Cartajenas.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang inaalam na ang motibo sa pamamaslang.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.