Negosyante, Patay; Asawa, Sugatan sa Ambush

PATAY ANG isang negosyante babae habang sugatan ang asawa nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang sakay ng sasakyan ang mga una sa Valenzuela City kamakalawa ng      umaga.

Dead on arrival sa Fatima Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Christina Ong, 67, ng Canumay West ng lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Vicente Ong, 67, asawa ng napatay.

Sa ulat, alas-10:30, sakay ang mga biktima sa sasakyan papunta sa kanilang pabrika at ilang metro pa lang nakakalayo sa kanilang bahay nang harangin ng suspek at paulanan ng bala.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mag-asawa sa FMC, kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng pamamaril.

 (MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.