Negosyante, paboritong pagnakawan

NAGING PABORITONG PAGNAKAWAN ng mga hindi pa kilalang magnanakaw na de-bangka ang isang negosyante na nakatira sa tabi ng ilog sa Malabon City kung saan muling nabiktima kamakalawa ng umaga.

Aabot sa P70,000 halaga ng gamit ang nakuha sa biktimang si Romeo Sengco, nasa hustong gulang ng C. Arellano St., Concepcion ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2 ng umaga nang akyatin ng mga suspek ang ikalawang palapag ng bahay ng biktima at kunin ang mga mamahaling gamit.

Lumalabas na sa ilog dumaan ang mga suspek gamit ang bangka dahil nasa tabi ng ilog ang bahay ng biktima.

Nabatid na madalas na mapagnakawan ang biktima at nakukuha ang kanilang mga marine at industrial tools.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.