Negosyante, Ninakawan ng 2 Kalugar

SINAMANTALA NG dalawang magnanakaw na walang tao sa bahay ng kalugar na negosyante upang mapasok at mapagnakawan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Pinaghahanap ang mga suspek na sina Julius Acosta at Ruther Quintal, kapwa ng Talipapa ng lungsod.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, umuwi sa kanilang bahay ang biktimang si Antonio Tubaya, 49, sa GSIS Hills sa Talipapa ng lungsod at napansin na magulo ang mga gamit sa loob.

Nawawala rin ang mga alahas na aabot sa halagang P80,000, television at baril na airsoft.

Isang kalugar naman ang nakakita sa mga suspek na nanggaling sa bahay ng biktima.

Nakakita rin ng plano sa mailbox ng kapitbahay ng biktima kung papaano pagnanakawan ng mga suspek ang negosyante.

Nabatid na sinira ng mga suspek ang bintana ng bahay hanggang sa makapasok at makapagnakaw.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.