Negosyante, Natangayan ng Higit P.5-M ng Akyat-Bahay

TINATAYANG AABOT sa mahigit sa kalahating milyong piso ang natangay ng mga miyembro ng akyat-bahay kamakalawa ng hapon sa Brgy. Salangan, Sta.Maria,Bulacan.

Sa ulat na nakara-ting sa Camp Gen.Alejo Santos kinilala ang biktimang si Nestor Delos Angles, 61 anyos, negosyante, tubong Caloocan City, at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyla na imbestigasyon, dakong alas-5:30 ng hapon nang madikubre ng biktima na wasak ang likurang bahagi ng pintuan ng kanyang bahay sa compound ng kanyang livestock farm.

Nabatid na pinasok ng mga magnanakaw ang silid ng mag-asawa, kung saan wasak lahat ng cabinet ng kuwarto, at nawawala na rin ang jewelry box na naglalaman ng ginto at pilak na nagkakahalaga ng P300,000 at pera na mahigit sa P200,000.

Samantala nagsasagawa naman ang malalimang imbestigasyon ang mga pulis, hinggil sa naganap na insidente.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.