Negosyante, Nabiktima ng Gapos Gang

NABIKTIMA ANG isang negosyante ng apat na hindi pa kilalang mga miyembro ng ‘gapos gang’ habang naglilinis ng sasakyan ang una sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa pahayag ng biktimang si Phillipe Jhon Padilla, 30, alas-3 ng hapon, naglilinis siya ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay sa 12th Avenue ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek sabay tutok ng mga baril.

Kinaladkad sa loob ng bahay ang biktima bago ginapos ng cable wire at naghalungkat kung saan nakakuha ng Glock 22 na 40 caliber; Laptop; ipod; cellphone, digital camera at cash na P9,000.

Tumakas ang mga suspek at nang makakawala sa gapos ang biktima ay agad na nagpunta sa presinto at sinabi ang pangyayari kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga una.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.