Negosyante kulong sa computer shop na walang permit

SWAK SA KULUNGAN ang negosyante matapos mahuling nagpapatakbo ng computer shop na walang permit sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang dinakip na si Mark Aunzo, 26 ng Bagong Kaunlaran, Paso De Blas ng lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa nasabing lugar nang mapansin na bukas ang Traxxex Internet Shop sa bahay ni Aunzo.

Hinahanapan ng permit si Aunzo subalit walang naipakita na naging dahilan upang dalhin sa presinto at kumpiskahin ang tatlong set ng computer.

Nabatid na may ordinansa sa lungsod na nagbabawal mag-operate ng computer shop kung walang permit sa city hall.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.