Negosyante, kritikal sa mga holdaper

KRITIKAL ANG ISANG negosyante matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper sakay ng motorsiklo habang ang una ay sakay rin ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Manuel Manansala, 45 ng Adante St., Tañong ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali, binabagtas ng biktima ang Estrella St., Tañong dala ang motorsiklo nang sabayan ng mga suspek at  pagbabarilin ng isa si Manansala.

Pagbagsak ng biktima ay nilapitan ng mga suspek sabay kuha ng belt bag na naglalaman ng aabot sa P10,000 bago nagsitakas sakay ng dalang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Dinala ang biktima sa TMC, kung saan nagsasagawa na nang follow ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.