Negosyante, Kinatay ng 4 Tanod

KINATAY NG apat na miyembro ng Barangay Peacekeeping and Action Team ang isang negosyante habang ginagawa ang bahay sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga taga at tama ng mga bala sa katawan si George Bullos, 59, ng Old Fish Port, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Nadakip naman si Lino Baculanay, 50, presidente ng BPAT; habang nakatakas ang mga miyembrong sina Jeffrey Baculanay; Serafin Orolano at Eliseo Bardelosa pawang ng Virgo Drive, NBBS ng lungsod.

Base sa ulat, alas-10 ng umaga, magkatulong na kinukumpuni ng biktima at anak na si Gerald ang bahay nila sa lugar ng mga suspek nang dumating ang mga huli at walang salitang pinagtataga at pinagbabaril ang nasawi.

Sa nangyaring kaguluhan ay nasugatan sa magkabilang binti si Lino na dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center, habang sa TMC naman dinala ng mga kaanak si Bullos.

Nang malaman na nasa JRMMC si Lino ay agad na binantayan ng mga pulis upang hindi na makatakas kung saan inaalam na ang dahilan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.