Negosyante, Inutas Dahil sa Sabong

PATAY ANG isang negosyante makaraang barilin sa Brgy. Santo Tomas, Passi City, Iloilo.

Nakilala ang biktimang si Nestor Cirilo, 49, ng Railway St., Brgy. Poblacion Ilaya, Passi City.

Nagtamo ang biktima ng 11 na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang narekober naman sa pinangyarihan ang pitong empty shell at dalawang slug ng .45 caliber pistol.

Ayon kay PO2 Michael Catalogo, imbestigador ng Passi City PNP, apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang humarang at bumaril sa biktima.

Isa sa mga sinusundan ng mga awtoridad sa pagsisiyasat sa motibo ng krimen ay ang pagiging mahilig ng biktima sa sabong.

Ang nasabing biktima ay nagmamay-ari ng piggery at fishpond habang nagtatrabaho naman sa Canada ang asawa nito.

Bago naganap ang pamamaslang dito, minsan na itong tinambangan habang pauwi mula sa sabungan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.