Negosyante, Huli sa Baril at Marijuana

MEYCAUAYAN CITY – arestado ang isang negosyante makaraang mahulihan ng pinatuyong dahon ng Marijuana at isang cal. 45 baril sa isang checkpoint sa Brgy. Pandayan kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., PNP Provincial Director, kinilala ang nadakip na suspek na si Renante Reyes Y Dijamco, 33 anyos, negosyante, tubong Manila, at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Jonathan Aliga Felipe, ganap na alas-2 ng madaling -araw, nang maharang ang negosyante kung saan kinasahan umano ng baril ang nabanggit na pulis nang sitahin nito.

Nabatid na walang maipakitang lisensya ng baril ang suspek. Bukod dito, nahulihan pa ito ng ilang tea bags ng Marijuana. Samantala detenido na ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa PD 1866 at Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.