Negosyante, Grabe sa Hataw ng Baril

ISANG BABAENG negosyante at retiradong assistant treasurer ng Navotas City Hall ang nasa grabeng kundisyon matapos itong hatawin ng baril ng lalaking nang-hold-up sa kanya kamakailan sa nasabing lungsod.

Nilalapatan na ng lunas sa Jose Reyes Memorial Hospital si Rosalinda Ang, ng # 37 Magat Salamat St., Brgy. Daang Hari, Navotas City sanhi ng palo ng baril sa ulo at nabagok pa ito sa semento nang mahulog sa sasakyan.

Nagsasagawa na ng follow-up ang mga awtroidad at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin

Sinabi nina PO2 Allan Bangayan at PO2 Philip Balera, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police na nangyari ang insidente  dakong 8:45 ng umaga sa kahabaan ng Padilla St., Brgy. Daang Hari ng nasabing lungsod.

Sakay ang biktima sa isang pedicab at hinarang ito ng salarin na naka-motorsiklo, sabay tutok ng baril at nagdeklara ng hold-up hanggang sa tinangay ang shoulder bag ng biktima, na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng cash, tatlong mamahaling cellphone at ilang ATM card.

Samantala, dahil dito ay nanlaban ang biktima sa salarin kaya agad na pinalo ng baril na naging dahilan para mahulog at mabagok ang ulo sa semento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.