Negosyante, Dedo sa Holdaper

PATAY ANG isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang holdaper nang tumangging ibigay ng una ang mga dalang alahas sa Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama sa ulo at katawan si Bienvinido Austria, 59, silver/gold buyer and seller ng Macabebe, Pampanga.

Sa ulat, alas-9 kamakalawa ng umaga, naglalakad ang biktima sa Phase 3-B, Camarin ng lungsod nang tutukan ng baril ng suspek at holdapin.

Hindi ibinigay ng biktima ang dalang belt bag na naglalaman ng mga antigong alahas at cash na P7,000 na naging dahilan upang pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek na hindi nadala ang belt bag ng biktima dahil dumadami na ang mga nakasaksi.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.