Negosyante Brgy. Kagawad, Tinambangan sa Bus Terminal

 

PATAY ANG negosyanteng barangay kagawad ng Gappal, Cauayan City, Isabela makaraang tambangan habang nasa isang bus terminal dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jun Velasquez , 45, may asawa, at dalawang termino nang kagawad sa naturang lugar.

Base sa pagsisiyasat ng PNP-Cauayan City, kagagaling lamang ni Velasquez sa lungsod ng Baguio kasama ang iba pang barangay officials ng Cauayan City matapos ang tatlong araw ng seminar nang ito ay paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin.

Lulan umano ng isang van ang suspek batay sa pahayag ng mga by-stander sa Dalin Liner bus station na nagkataong dumungaw lamang at nakita ang pagbaril kay Velasquez.

Nagtamo ng limang tama ng bala ng kalibre .45 sa kanyang katawan ang barangay kagawad dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Na-recover ng mga kinauukulan ang apat na basyo ng bala sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo ng pananambang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.