Negosyante, Arestado sa Tangkang Pagpatay sa Kapit-bahay

 

SAN JOSE DEL Monte, Bulacan – Agad  na inaresto ang isa sa dalawang suspek na nagtangkang pumatay sa kanyang kapit-bahay gamit ang kalibre .45 na baril sa Zone 3, Brgy. Graceville sa lungsod na ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Marc Rivero kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Magnolia Victoriano Y Cruz, 41-anyos; samantalang ang mga biktima naman ay nakilalang sina Jerish Padrilan 21; at isang alyas Bogart, 17-anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11:30 ng hating gabi nang maganap ang insidente makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa panunutok ng baril.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang isa pang suspek na si Kenneth na tinutugis na ng mga awtoridad sa kasalukuyan.                                 (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.