Negosasyon vs MNLF, ‘Di na Uubra

NAIINIP NA umano ang mga Zamboangueño sa mabagal na aksyon ng pamahalaan para maresolba ang namamagitang standoff sa pagitan ng government forces at armed members ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sinabi ni Zamboanga City Councilor Roel Natividad na mag-iisang linggo nang “hostage” ng mga rebelde ang kanilang lungsod.

Maliban aniya sa mga sibilyan na hawak ng MNLF, paralisado rin aniya ang sektor ng negosyo sa kanilang lugar at balot ng takot ang mga residente.

Naniniwala si Natividad na ginawa na ng gobyerno ang lahat para bigyang-daan ang negosasyon, subalit malinaw aniyang hindi na ito mareresolba sa usapan.

Maaalala na una nang binatikos nito ang aniya’y kawalan umano nang sapat na aksyon ng militar para maresolba ang gulo.

Samantala ayon pa sa opisyal, nagbigay na umano sila ng “go signal” sa militar na gamitin na ang puwersa para matapos na ang gulo.

“Being the committee chairman ng peace order sa konseho, hindi ako kontento sa response ng gobyerno. Ang mga tao, galit na. Maraming nawala rito. For five days, hindi sila nakapag-trabaho. Hindi naman sila babayaran ng gobyerno,” ani Natividad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.