Negative daw sa drug test
Claudine Barretto, itinanggi ang akusasyon ni Raymart Santiago na nagdo-droga siya

NAISAMPA NA ni Raymart Santiago ang kanyang counter-affidavit laban sa asawang si Claudine Barretto kaugnay sa isinampa nitong kasong may kaugnayan sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act last Tuesday, September 24, 2013 sa Marikina Regional Trial Court.

Sa kanyang affidavit, kalakip ang mga larawang diumano’y pananakit sa kanya ni Claudine at ang litrato naman ng diumano’y pagtuturok nito ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon pa kay Raymart nang makausap ito ng Showbiz Police ng TV5 last Saturday, September 28, hindi naman daw kailangang ilabas pa ang mga ganoong bagay pero napilitan na raw siya dahil na rin daw sa kanila.

Sabi niya, “Hindi ko naman dapat ilabas ‘to pero in-open nila e. Meron silang sinabi na kailangan ding sagutin.”

Tanong pa ng Showbiz Police Reporter na si MJ Marfori, “Pero ‘yung mga litrato dun na may sugat-sugat ka, naka-under the influence ba si Claudine nun?” Tugon niyang tumango muna, “Yes.”

Ayon pa sa isang reporter, “So hindi natin maitatago that Claudine must be using that drugs?” Saad ni Raymart, “Well, it’s out, ‘di ba? Kung hindi nila ako tinulak para ilabas ito, hindi nila malalaman.”

Ayon naman sa kampo ni Claudine, handa raw ang actress na sasailalim sa isang drug test. Kuwento pa ng isa sa mga legal counsel nitong si Atty. Junelet Mataro, “Of course, Yes. Yes. Anytime, any place. You just tell us and we will be there. She is drug-free and the issue here is not whether or not Claudine is a drug addict. The issue here is whether or not Raymart has abused Claudine.”

Sa tanong kay Atty. Mataro tungkol sa mga litratong isinumite ni Raymart, na parang siya ang sinasaktan ng kanyang kliyente, tugon niya, “If Raymart is being abused by Claudine, eh ‘di mag-file siya ng kaso, kung ano man maisip niyang kaso. If his claim is that he is being abused by Claudine, go ahead file a case against Claudine.”

Sa huli, umapela si Raymart sa dating asawa at sa mga magulang ni Claudine na huwag daw nilang kunsintihin ito.

Aniya, “Nu’ng nag-umpisa ‘to, ‘yun lang naman talaga ang gusto ko eh, ma-realize niya sa sarili niya na there’s something wrong with her. Gusto ko lang ma-realize ng mga magulang niya na ipagamot nila si Claudine. Alam nila ‘yun. Alam nila ‘yung nangyayari sa anak nila. Huwag nilang kunsintihin, kundi tulungan na lang nila.”

Samantala kahapon, October 1, nagpatawag ng presscon sina Claudine at mga abogado nito. Dito ay labis nilang pinabulaanan ang akusasyon ni Raymart. Ang eksenang nagtuturok daw si claudine ay totoo naman daw pero hindi daw ito drugs kundi pang-alaga sa kanyang kutis bilang artista. Ang pangalan ng gamot ay Gerovital h3. Gagamit din ako nito, charing!

Tungkol naman sa pagdo-droga issue, nagpakita naman ang ama ni claudine ng drug test result kung saan negatibo ang lahat ng resulta nito sa sampung drugs/metabolite na kanilang ipinasusuri kabilang na ang cocaine, morphine at ecstacy.

Ayaw na lang naming mag-komento dahil sa dami ng opinion ng mga tao, baka makagulo lang kami sa kanilang mga plano sa buhay. Choz!!!

 

HINDI PA man naresolba ang katanungan kung sino nga ba ang may pakana ng pagpapakalat ng sex video nina Chito Miranda at Neri Naig nitong Agosto, panibagong sex video na naman diumano ng dalawa ang kumalat kahapon ng tanghali, September 30, sa Facebook.

Ayon sa abs-cbnnews.com, sa panibagong video raw ng dalawa, may haba itong lagpas sa labing-isang minuto, kumpara sa una na halos pitong minuto lang.

May ilang blogs na rin ang naglabas ng mga screenshots ng nasabing video diumano na kakaiba nga sa naunang video ng dalawa. Base sa mga screenshots na nalathala sa allsexypinayscandals.blogspot.com, tila naging mapusok pa ang pribadong tagpo ng dalawa kung saan mas mainit ang naging pagtatalik ng dalawa.

Hindi mai-upload ang naturang video dahil nangangailangan ito ng monetary donations. Sa YouTube naman, may video na umabot sa halos siyam na minute ng diumano’y second part ng kanilang sex video pero tanging larawan lang nilang dalawa na nasa isang sensitibong eksena ang tumatakbo dito.

Samantala, sa Instagram account ni Chito Miranda, sinabi nitong, “Mahal na mahal namin ang isa’t isa. The more na subukan nilang guluhin ang buhay namin, mas lalo lang tumibay ang pagmamahalan at samahan namin.”

So ibig kaya sabihin nito maraming lamang video ang nanakaw na hard drive nina Chito sa kanilang bahay noon? Nakakaloka ha? I’m sure bukas-makalawa, may mga kopya na nito sa bangketa. Paano makapagmu-move on nito si Neri kung patuloy siyang sinusundan ng bangungot ng kanilang private sanang pagtatalik ng boyfriend na ngayon ay kalat na kalat na?

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

13 thoughts on “Negative daw sa drug test
Claudine Barretto, itinanggi ang akusasyon ni Raymart Santiago na nagdo-droga siya

  1. sa tingin ko ha dpat kc d na nakisali p c greta sa away mag asawa wala n lang sana clang kinampihan okey lang nman ang magkomento cla para mapagtanggol ang kanilang mga sarili pero ung may kinampihan sila sana wla n lang…..alam nio dati kaming magkakaptid nag aaway away din sa kadahilanang may mga taong nakikialam. ang sa akin lang ha bakit d kau mag usap usap kse sa dulo kau pa ring magkakapatid ang magsasama sama e…ang mali lang kc may kinampihan…

  2. bakit hindi kini question ni claudine or her camp ang medical report from Medical City hospital na hawak ni Raymart if its not true that she is a drug dependent to clear her name. Bakit hindi nila idemanda rin ang Medical city on why Raymart holds a copy of her medical report or yung Dr ba naka sign. I believed Raymart was able to hold a copy as he was the next of kin of cleng cleng and the legal spouse. Kaya matapang maghamon si Raymart becuz he knows all the personal health indormation of cleng cleng.

  3. lahat nang presscon na pinatawag ni cleng cleng iisa ang drama,paawa,head bow and teary eyed effect,very obvious na pilit na pilit!! ,sarap hamunin nang away si cleng cleng para lumabas ang tunay na ugali.such a drama!! pero kita mo naman kung maghamon nang away at magwala sa incident kay mon tulfo,its the opposite..dami nang niloloko etong si cleng cleng including her own parents.

  4. THE QUESTION IS CREDIBLE BA YANG DRUG TEST NA YAN? SILA SILA RIN ANG NAGPADRUGTEST SA CLINIC NA PINILI NILA. THIS IS NOT COURT RELATED SO THERE IS NO BEARING AT ALL.

  5. MADALING LUSUTAN YAN, CLODITA!! HINDI DAPAT IHI ANG GAMITIN MO SA DRUG TEST, DAHIL ILANG ARAW LANG WALA NANG TRACE YUN,  KUNG TALAGANG MATAPANG KA TALAGANG MAGHAMON, YUNG BUHOK MO ANG IPA-TEST MO, DAHIL DIYAN LILITAW KUNG USER KA TALAGA

    • KOREK! DAPAT SABAY SILANG DALAWA NI RAYMART PARA MAGKAALAMAN. HAHAHA! MGA TANGA LANG ANG MANINIWALA SA KANILA.

  6. Gawa gawa lang ni Reymart yan…kung nag ddrugs eh si sana tuyot na si claudine?? eh kaso nananaba eh lolz.. Plano lang ni Reymart yan pra may panlaban sya.

    • Shunga! Hindi lahat ng nagdudrugs eh tuyot tingnan. Saka iba-iba ang klase ng narcotics noh! Iba-iba rin ang epekto sa katawan.

    • yang idol mo kaya tinabangan ang GMA 7 sa kanya kse laging nag cause nang pack up sa mga shoots or project nya. di ba she always call for offsick because at home shes heavily sedated with drugs. para ka ring addict iisa ang alam mag deny.

  7. Kainis naman hindi mawala pagmumukha ni baliw claudine na to sa lahat ng dyaryo nandon…di na nananahimik tong mga baretto, mga kulang sa pansin..

Leave a Reply

Your email address will not be published.