NDRRMC: Kakulangan sa Disaster Fund, Malaking Hamon

INIHAYAG NI NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario na nanatiling malaking hamon ang kakulangan sa disaster funds upang tugunan ang problema sa kalamidad at ma-rehabilitate ang mga lugar na lubhang sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

Sinabi pa ni Del Rosario na lahat ng ahensya ng pamahalaan ay may limitadong resources subalit naghahanap sila ng paraan upang may magamit saka-ling may mga kalamidad na mangyari nang sa gayon ay makapaghanda at maiwasan ang anumang pro-blema.

Samantala, kinakaila-ngan umano ng P31 Bilyon na pondo upang i-rehabilitate ang Davao Oriental at Compostela Valley na lubhang tinamaan ng bagyong Pablo kung saan umabot sa P40 bilyon ang total damage na naitala sa dalawang lalawigan, giit pa ni Del Rosario.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.