NDRRMC, Inaming ‘Di Handa kay Yolanda

INAMIN NG National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi nila napaghandaan ang bagyong Yolanda.

“We have a concrete system [in disaster response]. Ang hindi lang natin napaghandaan ‘yung ganitong magnitude [ng pinsala], napakalaki,” ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario.

Kumpara aniya sa ibang kalamidad, hindi lang isa o dalawang barangay o lalawigan ang hinagupit ng bagyo.

Kasabay nito, umapela ang opisyal ng pang-unawa sa mga nawalan ng mahal sa buhay, nasiraan ng mga ari-arian at patuloy na nagugutom.

“The government is conducting massive relief goods distribution and operations… Kung meron mang konting pagkukulang sa ibaba, ito po ay patuloy na ina-address… The government is doing its best.”, Ani del Rosario.

Sa relief goods aniya, sapat sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ang bawat food pack na patuloy na ipinamamahagi sa mga naapektuhang lugar.

Nagkaroon na rin ng pagbagsak ng tulong mula sa choppers sa mga bayang mahirap maabot ng mga volunteer.

Samantala, inihayag din ng NDRRMC director na napasok na ang lahat ng lugar na hinagupit ni Yolanda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.